Home

ROOKIES 2 (movie)

June 19, 2009

 

 

 

Last monday pinanood namin ni papa ito.

Tungkol sa mga high school student na pinangarap makapaglaro ng baseball at magbagong buhay.

Dati na kasi silang naglalaro ng baesball kaya lang may hindi magandang nangyari habang nasa kalagitnaan sila ng laro.

Dahil ito para mabanned sila at di na muling makapaglaro ng baseball.

Sanhi rin nito ang pagiging basagulero nila at sakit sa ulo ng mga teachers.

 

Isang araw may isang lalakeng guro na bagong pasok sa school nila.

Ang teacher na ito ay dati na rin nagkaroon ng violation sa school.

Hindi man niya sinasadya ang nangyari wal siyang magagawa kundi tangapin ang ibabato na salita ng ibang tao.

 

Nais ng guro na harapin ng mga istudyante ang gusto nilang pangarap sa buhay at abutin ito.

Tinulungan ng guro na magbago ang mga ito sa pamamagitan ng paglalaro ng baseball.

Marami mang taong bumabatikos sa kanilang kakayahan hindi sila kaylan man susuko sa laban.

ipinakita ng mga istudyante na ito na pedeng mabalik ang tiwala ng tao sa kanila.

 

Sinimulan nilang magbago.

tinigil nila ang paninigarilyo.

at pagsusugal

At pakikipag away.

 

Inalagaan nilang mabuti ang aral ng kanilang guro at prinotektahan nila ang kanilang pagkakaibigan.

Hangang sa huling laban ng laro nakamit nila ang kanilang pangarap.

 

    

Posted by mamalovebabyyui24 at 12:44 pm | permalink | Add comment

L.Q!!

June 18, 2009

Kanina ok naman kami ni papa.

Nagsimula lang uminit ang ulo ko dahil kanina niya pa ako inaasar.

Nabasa niya kasi yun compatibility na laro.

Nakalagay dun loyalty 3 hearts ang kanya, sa akin 1 heart lang.

Simula ng yun hindi na niya ako tinigilan(ang babaw no?!)

 

Kaya lang kasi nakakaasar na.

Pagbiro-biro pero wag nang uulitin ng ilang bese hindi lang pala ilang beses ilang araw na pala.

Humingi ako sa kaniya ng favor na masahihin niya yun likod ko.

Nun una ayaw niya,pero sabi ko after ikaw naman.

Kaya oo naman siya. Dahil siya ang susunod eh.

 

Pero totoo niyan napilitan lang talaga siya na hilutin yun likod ko.

Kaya ayan habang hinihilot ako nagumpisa nanaman siyang mangasar.

Ang sakit pa niyang manghilot.

Talagang sinasadya.

Sinabi pa niya na sinasaktan ko daw si yuina pag wala siya.

 

Kaya nainis na talaga ako Sinabi ko sa kanya ” tama na nga umalis ka na sa likod ko ayaw ko ng magpahilot sayo”

Aba nakuha pang paluin ang likod ko kaya talagang naggalaiti ako sa galit ang sakit ng palo niya eh.

Umalis ako sa kama sa sahig ako natulog.

Ilang beses niya kong tinatawag pero ayaw kong sumagot.

Hirap sa asawa ko hindi marunong magsorry.

 

Palibhasa hindi gentleman.

Nainis siya kasi hindi ko talaga siya kinikibo,Kita mo na siya pa itong may ganang magalit.

Talagang nabwisit ako sa kaniya pinabayaan ko nga siya lumabas siya ng kwarto at sa sala niya balak matulog.

Nasanay kasi siya na kahit siya ang may kasalanan ako ang nagpapakumbaba ako ang sumusundo sa kaniya para hindi siya matulog sa sahig.

Napuno talaga ako kasi habang papunta siya sa sala salita pa ng salita parang babae.

 

Tumayo ako at hinabol ko siya sa sala dala yun unan ko.

Sobrang asar ko hinampas ko siya ng unan ilang beses,galing ko daw dahil nagagawa ko siyang batuhin ng unan.

Siya nga itong magaling jan dahil wala siya modo sa babae.

Sa sobrang galit ko lumabas ako ng bahay iniwan ko sa kaniya si yuina.

Habang nasa labas ako rinig ko ang iyak ni yuina.

 

Hindi ko matiis si yuina kapag naiyak ngayon lang napuno talaga ako sa tatay niya.

40 mins ako asa labas ang lakas ng hangin malamig pa suot ko lang tshirt na manipis.

Alam ko naman na hindi ako susunduin ng taong yun kaya bahala siya.

Maya-maya nagbukas yun pinto hinahanap ako.

Hinila niya ako papasok aba wala talagang balak humingi ng sorry to.

 

Hinila niya ako papasok dahil si yuina raw iyak ng iyak.

Yun pala naman hindi niya kayang patahanin si yuina mangaasar pa siya.

Ang galing no nakakaasar talaga.

Kahit pumasok ako sa bahay dumiretso ako sa toilet at nilock ko ang toilet.

Mga hapon talaga oh mabibilang mo lang ang kabaitan nila.

 

Hindi na nga gentleman mapride pa.

Kung hindi ko lang mahal ang asawa ko nagbigti na sana ako.

 

 

 

Posted by mamalovebabyyui24 at 2:24 am | permalink | Add comment

DATE!!!!

June 15, 2009
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Aba si papa nagyayang magdate.
Nood daw kami ng cine yun rookies part 2 paborito niya kasi yun,pagnanonood siya sa tv naiiyak siya madrama pala ang lalake ano!.
Ginising ako ni papa 7 ng umaga kakatulog ko lang ng 5 am.kala ko kasi papasok siya sa work monday kasi.
Habang ginigising niya ako nasagot naman ako ng oo.
Akala ko dahil papaalam na siya na aalis na siya at pupuntang work,hindi pala.
 
2 hours lang ang tulog ko pano yan tutulogan ko na lang yun palabas.
Si yuina naku pano ba yan sino magaalaga kay yui?
Buti na lang si kuya asa bahay lang at gustong gustong inaalagaan si yui kahit na malikot na.
10 am ng makalabas kami sa bahay hinatid muna namin si yuina kay kuya tapos on the way na kami sa cinehan.
maaga pa kaya kumain muna kami ng agahan sa mcdo.
First time ko lang makakain ng breakfast sa mcdo.
 ang sarap pala.
 
 
 
After namin breakfast diretso na kami sa sinehan bili si papa ng ticket, dun kami sa pinaka taas.
Kaya lang hindi namin alam na yasumi pala ng elementary kaya ang daming batang nanood.
11 am na kaya papasok na kami sa loob ng sinehan.
Syempre dahil adik sa camera picture picture muna bago pumasok sa loob.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 Lobby ng sinehan.
  Eto na kami sa loob sa pinaka tuktok…
hahahah si papa naiinis kasi yun mga bata ang iingay di pa nga nagsisimula yun palabas hahahahah tawa ko kasi inaaway niya yun bata kaya para rin siyang bata hahahahha!!!!!
 
Start na yun palabas.
Nak ng tinapa oh saka ako binibisita ng antok.
Iglip muna ko kasi umpisa pa naman.
10 mins lang ang naitulog ko kasi nakita ako ni papa natutulog kaya ginising niya ako.
Ano ba yan !!!!!!
 
Aba lahat ng tao tumatawa ako lang ang hindi.
Kasi naman ako lang ang hindi nakakaintindi hahahha.
Parang maganda yun palabas kasi si papa tatawa tapos iiyak nababaliw na rin kaya ang asawa ko hahahah gaya ng mga kalahi niya hahahah.
 Saglit lang bat pati ako naiiyak?!
Yun habang pinapanood ko yun movie parang gumaganda kaya pinanood ko na at hindi na ako natulog pa.
 
Oo nga ang ganda nga ng palabas kaya lang sobra naman akong pinaiyak o si papa kasi iyak ng iyak eh.
 Natpos din namin yun palabas hindi naman nakakaboring maganda naman kaya lang sana  naintindihan ko ng maayos para lalong maganda.
uwian na antay ko lumabas yun lahat ng tao kasi picturan uli kami ni papa pag labas.
 
 
Posted by mamalovebabyyui24 at 12:38 am | permalink | Add comment

HAPPY 9 MONTHS OLD BABY YUI

June 12, 2009

  Para sa aking napaka bilis ng panohon sa tuwing inaalagaan ko ang anak ko.

Kelan lang noong pinanganak ko siya,tulog at kain lang ang alam niya.

Pero habang natagal unti unti siyang natututo.

7 months old siya ng matutong  tumayo sa crib niya ng magisa.

Tinuturuan ko rin siyang bumasa ng alphabet para habang bata siya alam niya na at matandaan niya.

  

Hindi ako hirap na alagaan nsiy dahil mabait na bata ang anak ko.

buksan ko lang ang tv ok na saknaya yun.

Naglalaro rin siyang magisa at hindi pala iyak.

Pagdating sa oras ng tulugan kahit kelan hindi ko siya nahele at hindi ako hirap sa pagpapatulog sa kanya dahil siya mismo ang nakakatulog.

Habang natagal unti unti ng humahaba ang tulog niya 9 pm hangang 9 am ng umaga.

 

Pag dating naman sa pagpapakain sa kanya oo nakakatamad nga ang magluto ng pagkain niya pero kahit paunti unti kinakaya ko para sa kanya.

Malakas rin isyang kumain at mahilig sa matatamis.

Sa mga tao naman nangingilala na siya wag lang uunahan ng malaking boses ang pagbati sa kanya dahil malamang iiyak siya.

Pala ngiti at pala awa si yuina lalo na pagnilalaro siya.

 

Nang mag 8 months old na siya,sumobra na ang galaw niya.

Gusto niya laging may kalaro at laging nadapa at nagapang.

Pagbinigay mo sa kanya ang cellphone hindi niya bibitawan yan at kakausapin niya kung sino man ang nasa linya ng phone.

Madaldal pa yata sa akin ang anak ko.

Mahilig rin mangagat.

 

Ngayon 9 months na siya kanina ko lang naramdaman na may tumubong ngipin sa bandang baba.

Pinapakain ko kasi siya at kinagat niya ako at naramdaman ko na may matulis sa bandang baba.

Nang silipin ko aba may 2 ngipin na siya sa baba.

Kala ko matatagalan pa bago siya magkangipin pero buti na lang at normal naman ang anak ko.

Sa susunod siguro makakatayo na siya ng hindi kumakapit sa aking mga kamay.

 

 

Posted by mamalovebabyyui24 at 12:54 pm | permalink | Add comment

HAPPY FIRST ANNIVERSARY !!!!

June 10, 2009

  June 10,2005 special  date para sa amin ni papa.

Naging kami at Kinasal kami. 4 years na kaming magkasama pero 1 year palang kami kasal.Nakilala ko si papa sa pagiging kenkoi niya at tahimik na tao.Ako lang naman ang maingay sa bahay.hahahahah!!!Sa work ko siya nakilala crush niya daw ako kaya gusto niya ako makausap (naks namula naman ako dun )Noong unang kita niya sa akin hindi kami nagkausap ng maayos kaya binalikan niya ako sa work ko at nagkayayaan kaming mag date.

 

First date namin tanda ko pa sa nagoya aquarium.ayaw ko pang pahawak ang kamay ko pero siya pilit niyang inaabot ang kamay ko.

Mabait siya kahit sa loob ng bahay.sa labas masarap din siyang kasama.Cool at kalog.Lagi niya akong napapatawa.Kaya hindi ako naboboring pagkasama ko siya.

 

                        Ito yun pic namin mga year 2005 nagyasumi pa talaga si papa para samahan lang ako sa bahay.Hindi maitatanggi na sa loob ng 4 na taon marami na kaming napagdaanan at mapagdadaanang   trials pero sana lahat ng yan ay malagpasan naming ng walang nasuko sa amin.

 

 

Posted by mamalovebabyyui24 at 6:51 am | permalink | Add comment

PAPA HAPPY 48th BIRTHDAY

June 9, 2009

48 years old na sana si papa ngayon kaya lang iniwan na niya kami.

Namimiss ko na siya halos araw araw.

Sobrang Inintay ko na sana makilala niya ang anak ko.

Dahil mahilig talaga ang papa ko bata at maalaga.

Mabait na lolo siya sa mga apo niya.

 

papa miss na miss na kita.

I Love YOu papa..

 

Posted by mamalovebabyyui24 at 7:09 am | permalink | Add comment

HAPPY BIRTHDAY TITO MORI

June 5, 2009

Birthday ni tito mori ngayon asawa ng tita sarah ko.

Hindi ko pa alam kung magbbq sila o hindi na.

Tag ulan na kasi ngayon june sa japan.

Kaya nga kakainis ang summer dito ulan lang lagi.

 

May handa kaya sila ngayon kung meron pupunta ako para hindi na ako magluto sa bahay.

Mabait si tito mori sila nga ang kumuha sa amin papunta dito sa japan.

Kaya nakilala ko si papa ko.

Isang beses ko lang nakitang nagalit sakin si tito.

Yun yung time na may nakakaaway ako sa kaishiya tapos nagyameta ako pero ayaw akong paalisin ng kaishiya.

 

Basta mabait talaga si tito mahilig nga lang sa pachinko.

Mahilig din si tito magcamping at bbq.

 

 

Posted by mamalovebabyyui24 at 7:21 am | permalink | Add comment

HAPPY BIRHTDAY MAME (^3^)

June 1, 2009
Tinawagan ko si mame kahapon kasi nakita ko yun mga pictures nila sa friendster.Namiss ko sila syempre chikahan kami ni mame, si mame ang pinaka naging kaclose kong tita.
Tumira ako sa kanila dati para magaral at para magtino hahahah.
Mabait naman si mame at maalaga pati si dade.
 Sobra pang bait .
 
Naalala ko noong sa kanila ako nakatira.
Gigising kami ng 5 am para maghanda papasok ng school.
Sila mame at dade naman 4 palang ng madaling araw gising na naghahanda na ng agahan at nagiinit na ng tubig panligo.
Si dade pag may samba sa church nila 3 palang ng madaling araw wala pa ngang araw nasa church na siya deretso na yun paguwi niya sa bahay aasikasuhin niya kami.
 
Tuwing gigisng kami sa umaga sobrang busy nila mame kasi hinahanda pa yun uniform at ginigising pa nila yun mga pinsan kong tulog sa sala.
Hindi pa sila nakakatulog pag nakaalis na kami dahil si ineng ang pinaka batang pinsan ko ay inihahatid pa ni mame sa school dahil elementary pa lang.
Pag tapos ni mame saka na siya nakakapag pahinga.
Pero dahil si aimi ay gigising ng hapon napuputol ang tulog niya.
 
Sobra talagang namimiss ko sila.
Pag holidays naman samasama kami mamamasyal sa mall.
Papalamig kami mahal kasi ang bill pag nagaircon kami.
Lagi kong kabiruan sila dade at mame.
kaya sobra ko sila namimiss.
 
Birthday pala ni mame ngayon.
Hidni ko kasi alam ang date ng bday niya kahapon ko lang natanong noon nakausap ko sila sa phone.
Nakakahiya nga dahil wala ang regalo.
pero nagpromise naman ako ke mame na pag nagkawork a ako tutulungan ko uli sila.
 
 
Mame HAPPY BIRTHDAY PO
Posted by mamalovebabyyui24 at 6:08 am | permalink | Add comment

YUI~

May 26, 2009

Lately napapansin ko si yuina napaka sigla at aba gusto laging tumatayo.

Kaya ako naman as a mommy kaylangan ko habulin at bantayan 24 hour para hindi madisgrasya.

Madalas na nga rin nauuntog kasi napaka likot na talaga.

Isang beses ko lang tinuruan na tumayo.

Natuto naman agad kaya ayan sanay ng manood ng tv na nakatayo.

 

 

 

Posted by mamalovebabyyui24 at 5:01 am | permalink | Add comment

NAKAKATAYO NA SI YUINA…..

May 22, 2009

 

 

Naku di ko maupload ang video ni yuina…

Posted by mamalovebabyyui24 at 4:25 pm | permalink | Add comment

     

May 2012
M T W T F S S
« Jun    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

ABouT ME

"v"   Simple gifts of joy
Are life’s special memories
So many forgotten daily treasures
Is like someone who won’t read a book
The cover is opened and closed without thought
As you see every blue sky
And cloudless day,
Warm rain, on a sunny summer day
You walk by as you self-consciously stray
And so many joyful memories are forgotten
Just like that they go rotten
And as the hours go by
And life goes on
So many wonders to see
And you just run by carefree
As you listen to life’s chime
You stand aside waiting for your time
But your time is when you realize
Just what you forgot
And how you walked into a big ole knot
And that as you stand aside
Your future flies by
Like it will not see you
And then you hate how it took so long for you to see
That life’s joy was every rotten memory

NEW PHOTO

WHAT-WHERE-WHEN

*3-1-09 12:oo pm TOYS R US OKAZAKI* -    We went to okazaki toys r us to buy yuina`s new toys.

*3-4-09 19:00 pm KORA HONTEN KARIYA* - Yesterday we eat japanese crab again.

 *4-17-09 6:00 pm SAMPO - Nag lakad kaming 3 kasi hindi na gaanong malamig.

*4-19-09 7:57 pm BBQ - Nag bbq kami sa hekinan.

*4-23-09 10:00 am NOMOTO CLINIC - Tapos na si yuina sa pang 3 niyang bakuna sa pangalawa.

Meanings ?

名前(namae)-name

誕生日(tanjiyobi)-birthday

可愛い(kawaii)-cute

長い(nagai)-mahaba or matagal

遅い(osoi)-matagal 

愛(ai)-love

美味しい(oishii)-masarap

家族(kazoku)-family or kamag anak

実家(jikka)-bahay

家(ie)-bahay

電話番語(denwabango)-no. ng telepono

以上(ijyoua)-un lang or tapos

時間(jikan)-oras

年(toshi)-taon

月(getsu)-month

(nichi)-anong araw or petsa

母子手帳(boshitechou)-maternity record book

お願い(onegai)-pakiusap

会いたい(aitai)-nananabik

変える(kaeru)-kalitan

帰る(kaeru)-umuwi

戻る(modoru)-bumalik

寝る(neru)-matulog

下(shita)-baba

上(eu)-taas

左(hidari)-left

右(midi)-right

思い出す(omoidasu)-naalala

甘い(amai)-sweet

(namida)-luha

笑顔(egao)-tawa or ngiti

水(mizu)-tubig

お湯(oyu)-mainit na tubig

ご飯(gohan)-kanin or pagkain

(asa)-umaga

(hiru)-hapon

(yoru)-gabi

(yume)-dreams

(hana)-bulaklak

(hada)-skin or balat

(karada)-katawan

休み(yasumi)-holiday 

(kuruma)-car

(watashi)-ako

公園(kouen)-park

 

 

 

My slideshow

TwiTT@

Facebook

MY FAV MUSIC

Subscribe

Technorati
Bloglines

MESSAGE BOARD

Yeast Infection Treatment:

Your post is really good and informative. I’m surprised that your post has not gotten any good quality, genuine comments. You have done a great job by posting this article.

tinnitus treatment:

thanks You sure do know what your’e talking about. Man, this blog is just great! I cant wait to read more of what youv’e got to say. Im really happy that I came across this when I did because I was really starting

tablet android honeycomb terbaik murah:

Thank you very much for the whole information.I agree with all the points mentioned here and noticed all your important points. I think it will help many people.I was little bit aware about it but your post gave me clear idea.

Nudging:

I’ve not been in the Philippines for long but I must say it’s a wonderful area. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs by filipinos and found your site on google. If you can share any ideas on places to go while here in the Philippines then I’d love to hear them. Happy Holy Week!

mamalovebabyyui24:

free to visit my new blog

Leave a message ▼